matabangutak:
Bacccckktrack! Tuuuumblr!!! Wooooo!
Hmm! Ganitong oras dati napakasaya ng mga tao. Nagmamahalan, nagkakaintindihan, pa tiny tiny chat lang. At punong puno ng loveteams! At ang maganda pa dun, kapag sinabing madaling araw. Ahm outlet talaga yun nung mga bloggers eh! Dun yung magagandang mga posts…
“The magic thing about home is that it feels good to leave, and it feels even better to come back.
~ Wendy Wunder,
The Probability of Miracles (via
quotethat)
Yay nagtext yung tita ko na go na daw kami sa aklan (ilo-ilo) para magbakasyon. Sa monday na daw yung flight namin. omg naexcite ako bigla. Excited na kong makita yung lola, tito’t tita ko at mga pinsan ko doon sa side ni papa. At finally, makakapag bora na rin ako! Haha
Sobrang natutuwa ako para sa bestfriend ko kasi naibalik sakanya yung nawala niyang phone kanina. Last week pa yun nawala, sinabi niya sakin na naiwan niya yung phone niya sa van na sinakyan niya pauwi. Edi yun sobrang nasayangan din ako kasi parehas na parehas pa naman kami ng phone. Tapos kanina lang, nagtext siya sakin na naibalik na yung phone niya! grabe lang ang galing, kasi yung van na sinakyan niya kanina eh yung van na sinakyan niya noon kung saan nawala yung phone niya like omg coincidence?? Tapos tinanong niya yung driver about sa phone at yun nga naitago ni manong. Haha
Nakakatuwa kasi minsan lang mangyari yung ganito na mababalik pa sayo yung nawala mong gamit sa public na lugar. Alam mo naman sa panahon ngayon, pero yung sa bestfriend ko himala! Biruin niyo walang ibang pasahero na nagbalak kunin yung phone at naitago pa ni manong at ibinalik. Sabi nga niya meant to be daw sila ng phone niya at sa sobrang tuwa niya, pinangalanan niya tong “pon-pon”. Hahaha
“Two things define you. Your patience when you have nothing and your attitude when you have everything.
Feeling ko wala na kong ka-close dito lol. Hindi na kasi ako masyado nakakapag interact sa mga bloggers dahil hindi na ako madalas mag-post dito at inaamin ko na tinatamad na rin ako minsan mag-tumblr :( Pero kahit ganon never kong inisip na mag-deact dahil isa parin to sa pinaka-paborito kong site. Hindi ko to kayang iwan. At isa to sa hiding place ko dahil walang nakakaalam ng account ko na’to na nakakakilala talaga sakin sa personal. Dalawa kasi account ko dito, yung una kong account naging puro reblogs na tapos ito halos personal. Kaya kahit ganito, kahit minsan nao-OP na ako dito, okay lang dahil ang purpose naman sa’kin nito ay labasan ng nararamdaman ko at maitala yung mga pangyayari sa buhay ko. (wow maitala ang lalim haha) Dahil yun naman ang una kong rason kung bakit ko to ginawa, to express myself. bonus nalang talaga ang mga kaibigan na nakilala at makikilala ko dito. :)
Hachiko: A Dog’s Tale


Ito na ata ang pinaka-malungkot na napanood ko na movie sa buong buhay ko. too many feels. Inaamin ko na madali lang talaga akong maiyak sa mga palabas pero kakaiba talaga to, the fact na true story pa siya ugh grabe lang hagulgol. Sobrang nakakaiyak lalo na nung lagi siyang bumabalik sa train station para antayin yung amo niya dahil umaasa parin siya na makikita niya yung amo niya doon na sasalubong sa kanya at for 10 years! ginawa niya ‘yon, hanggang sa namatay narin siya ahhh naiiyak na naman ako. Feeling ko nga hindi ako makakaget-over sa palabas na’to dahil kapag naiisip ko si Hachiko nalulungkot ako. Gusto ko tuloy pumunta sa Shibuya, Japan para lang makita yung rebulto niya at yung stuff na napreserved sa kanya doon sa museum.
Ewan ko ba pero nakaka-amaze kasi talaga yung mga story na ganito, iba talaga kapag may connection ang tao at hayop, syempre di mo ineexpect yung gagawin nung hayop o kaya yung nararamdaman niya sayo na kahit hayop lang sila marunong sila magmahal at magpahalaga ng tao. sobrang loyal at di ka kayang kalimutan. Minsan nga mas mabuti at may pakiramdam pa sila kaysa sa ibang tao, at minsan sila pa yung maituturing mo na bestfriend. Sa story na’to pinatunayan talaga ang kasabihan na a dog is a man’s best friend. <3